FAQs



1) Paano mag comment ng walang account?
ANSWER: I-click ang post title at mag-comment sa baba as anonymous
May bago ng paraan! Mag-comment na using your facebook account! :)


2) Pwede bang mag-send o mag-contribute ng mga pictures?
ANSWER: Pwedeng-pwede! Alalahaning lagyan ng waternark ang inyong mga pictures para hindi manakaw ang inyong copyright! I-send niyo po sa embarrera23@GMAIL.com

3) May like page ba kayo sa Facebook?
ANSWER: Wala pa. Ngunit, i-share niyo lang nang i-share para mas dumami ang audience natin. Salamat!

4) Content ko yang pinost mo. Anong gagawin mo?
ANSWER: 75% po ng blog na ito ay orihinal na gawa / kuha (litrato) ni EMPinoy. Kung may nilalaman man na may karapatang-ari (copyright) ninyo o sa inyo na ayaw niyong i-repost, ipagbigay-alam lamang sa embarrera23@GMAIL.com

5) Bakit paiba-iba ang layout ng blog mo?
ANSWER: Kasalukuyang pinageeksperementuhan ni EMPinoy ang pinaka-magandang ayos upang maibigay ang  mas magandang serbisyo. Magkakaroon ng STRIKETHROUGH ang FAQ #5 kung may permanente nang ayos ang Pinoy Junkies.

Magkakaroon din ng special backgrounds at logo para iba't ibang events. Halimbawa, dark ang background noon Holy Week at magiging makulay naman kung pasko. Ang banner ay magbibigay tribute din sa mga special holidays.

6) Teka, nabasa ko na yang post na yan kahapon ah.
ANSWER: Mag-isa lang po akong nag-uupload ngayon ng mga pictures. Kung mag ko-contribute po kayo, tignan ang 'contribute' section. Sa aking pananantya, daily basis upload ay maaaring 3-4 na post ang bago. Kung medyo busy po ako ay baka 2 o wala. Ngunit madalas naman akong nag i-schedule para kahit wala ako, may magpo-post na bago.

7) Para saan yung poll questions?
ANSWER: Well, para malaman po ang pulso ninyo: kung ano ang gusto niyong makita at kung ano ang magpapaganda ng blog na ito. Kaya sagutin na ang polls!

Edit: Kailan lang (April 10, 2012) ay isinara na ang dalawa sa pinaka-unang poll questions. Narito ang resulta:

Poll questions: Ended April 10, 2012


8) Bakit kailangang sa e-mail pa i-send yung submissions?
ANSWER: Hindi ko pa po nadi-discover kung paano ko gagawin iyon. Kung matutulungan niyo po ako sa technical problem na ito ay ipagbigay alam po sa ating e-mail.
Alam ko na kung paano mapapadali ang upload ninyo. Tignan ang FAQ # 9.

9) Pwede po ba maging isa sa authors / admin?
ANSWER: Pwede! As of March 16, 2012, isa pa lamang ang aming authors. At ako yun. Kung gusto niyong mag-apply, mag post muna ng 20 + contributions.
And authors ay ina-allow ko lang po ng 1 month contract. Minimum of 10 posts ang dapat i-post every month para pasok pa rin sa requirements. Kung maganda ang inyong performance, isang buwan pa uli! So on and so fort. Kung hindi ka man naka-pag post, maaaring mawala ang iyong posisyon.

10) May suggestion / request ako, paano ko sasabihin sa iyo?
ANSWER: I-send po ang inyong request/suggestions sa embarrera23@GMAIL.com



--------------

Cool Blue Outer Glow Pointer